Primer: Michael Pastorizo

Michael Pastorizo lives in Malabon, Metro Manila. He graduated at Malabon Community College took up Business Management. He participated in various group shows, both local and international.

Pastorizo’s works is about courage, a product of his imagination and the fruits of his persistence and discovery. He strives to capture the beauty within usual forms, to interpret their underlying structure and construct a bridge between simple icons and complex ideas.

He gets inspired with the balance ingrained within chaos, the artist creates illustrative forms which are at once constant and dynamic, organic and industrial, ornate yet tranquil.

What inspired you to become an artist?

Bata pa lang ako mahilig na ako magdrawing. Every year kasi may summer workshop sa lugar namin ng drawing and painting. Since elementary and highschool ay nag woworkshop ako; dun siguro ako namulat sa art at minahal na rin. After highschool nagwork na ako, kaya medyo nawala sa pagpipinta, pero nabalik din ng kunin ako bilang isang helper ng isang kaibigan na artist na nasa artscene na nung panahon na yun. Tumagal ako ng ilang taon sa kanya, hanggang may mga ibang artist na rin na kumukuha sa akin. Nagpipinta-pinta narin ako nung time na yun, pero pang sarili lang or libangan. Then may mga kaibigan ako na nag-aya sa akin na sumali sa exhibit dito sa Malabon. Dun na siguro nag-spark yung kagustuhan kong maging Artist.

What was your first exhibit like?

First exhibit syempre sobrang saya! Hindi ko akalain na masasali ako sa ganung okasyon. Nagpapasalamat ako sa mga taong naniwala sa aking kakayahan sa larangan ng sining. Nung una figure din ginagawa ko. Napansin ko na ang daming magaling sa figurative. Hindi ako makasabay kaya nag decide ako na mag shift sa abstract. Akala ko madali… mahirap pla hehe.  Ang dami kong pinagdaanan bago ko makuha ang tamang fomula sa istilo ng pyesa ko. Hanggang ngayon naman diretso pa rin ang pag aaral at pag diskubre sa mga bagay na pwede ko pa idagdag sa pyesa ko.

What are you currently working on?

Sa ngayon meron akong pinaghahandaan na 7th Solo show under Galerie Joaquin sa Podium.   Ang isoshow ko mostly black and white para maiba naman kasi halos lahat ng gawa ko makukulay. Gusto ko sa show na ito ay mas makita nila ung istilo ko kesa sa ganda ng pyesa.

What is your process like?

Ang proseso ko medyo matagal din. Ako lahat gumagawa simula sa canvas hanggang matapos ang pyesa. Mina-manage ko mabuti ang oras ko. Una puro canvas muna gagawin ko sunod puro pinta naman. Tapos patuyo, gawa ulit canvas habang nag papatuyo. Ulit-ulit lng hehe. Kabisado ko na mga galawan sa studio ko.

What was the most valuable thing you learned doing your art?

Diretso lang hangga’t nasa kundisyon ako. Minsan nawawala din ako sa focus pag may problemang dumarating. Pero syempre kailangang magpatuloy para sa Pamilya. Tuloy tuloy lng.

What is your favorite piece you’ve created?

Natutunan ko sa art ko (habaan ang pasensya) maging matyaga sa lahat. Yung una kong mga pyesa eh inde naman agad napapansin. Gumawa lang ako ng gumawa at nag hintay sa tamang panahon na ipakita ko na sa lahat ang art ko. Nagtuloy tuloy ako. Hanggang ngayon naman haba pa rin ng pasensya ang kailangan. Wag susuko, magiging maayos din ang lahat. Yan ang lagi kong iniisip.

What is your favorite piece by another artist?

Favorite piece ko yung gumawa ako ng 5×8 feet, kasi first time ko na may nagtiwala at magpawa ng ganoong kalaki. Nakakakaba syempre hehe. Pero sabi ko nga wag susuko at ayun nga nagawa ko naman ng maayos. At ang mas masarap sa pakiramdam ay nagustuhan ng iba ang pyesang ginawa ko.

Ang pyesa na gusto ko eh yung kay Fitz Herrera. Isa rin kasi siya sa mga iniidolo ko. Ang gusto kong pyesa nya eh ung may title na MATA SA LANGIT PAA SA LUPA. Kaibigan ko rin kasi siya at laging nagpapaalala mga bagay na dapat at hindi dapat. At yung simpleng salita pero malaki impact sa pagkatao ko kasi dati walang wala rin naman ako at itong art ay sobrang nakatulong sa aking pamilya.

Why do you work in the medium that you do?

Oil ang medium ko kasi dun ako nag-umpisa at mas komportable. Maganda kasi kinalalabasan ng mga pyesa at bagay sya sa istilo ko. May mga sinubukan akong ibang medium; pero mas ok talaga sa akin ang oil medium kaya nag stay na ako sa oil. Hindi kasi makuha sa ibang medium  yung effect na gusto ko. Medyo malakas ang amoy niya at matagal matuyo. Pero yun nga yun eh naging matyaga at humaba ang pasensya ko sa paggawa ng mga pyesa.

What is your favorite place to create in?

Paboritong place syempre sa studio. Pag nasa studio ako, iba pakiramdam. Masaya ako, nagiging tahimik ang lahat. Mas nakakapag-focus ako sa lahat ng gagawin ko. Parang lahat kaya mong gawin, walang limitasyon, do whatever you like, ika nga hehe… walang sasaway sayo, Isang sangtuaryo ang studio ko para sa akin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial